ANG DIYOS ANG KALIGTASAN KO (The Lord is My Salvation)
- Nolan Diosana
- Mar 22
- 1 min read
Niligtas ng biyaya Mo
Mula rin sa parusa Mo
Binago Mo ang puso ko
Ang Diyos ang kaligtasan ko
Hindi mangangamba kahit
Makulimlim paligid ko
‘Pagkat ang Diyos ang liwanag ko
Ang Diyos ang kaligtasan ko
Sino ba ang katulad Mo?
Ika’y tapat sa pag-ibig Mo
Bayad na’ng lahat
Ng kasalanan ko
Ang Diyos ang kaligtasan ko
Panginoon, sa’yo lamang
Pag-asa ko’y nakahimlay
Anumang unos, Ikaw ay nariyan
Ikaw ang kaligtasan ko
Ako’y magpapatuloy lang
Dito sa ‘king paglalakbay
Salita Mo lang ang aking gabay
Ikaw ang kaligtasan ko
Kung buhay ko ay magwakas
Alam ko na ako’y sa’Yo
Walang hanggan na sa piling Mo
Ang Diyos ang kaligtasan ko
Luwalhatiin natin ang Ama
Luwalhatiin natin ang Anak
Luwalhatiin ang Espiritu
Ang Diyos ang kaligtasan ko




Comments